50 oras nag-computer, na-stroke

Filed under Balitang Weirdo Balita RSS RSS Feed

Babala sa mga adik sa computer d’yan!

Sa ospital ang bagsak ng isang 42-anyos na lalaki sa Shenzen, China, matapos siyang ma-stroke kamakailan makaraang mapansin ng staff sa internet café na hindi na siya tumatayo sa upuan sa loob ng 50 oras.
Sa ulat ng Oddity Central, makikita sa CCTV footage ang pagdating ng lalaki sa internet café nitong umaga ng Marso 31, at hindi na tumayo sa kanyang upuan makalipas ang 50 oras.
Gabi na ng Abril 2, nang mapansin ang lalaki nang i-check ng isa sa mga staff ang CCTV cameras, kung saan natagpuan nila itong paralisado at hindi makapagsalita, makalipas ang dalawang araw.
Agad ding isinugod ang lalaki sa ospital, kung saan nakumpirma na na-stroke nga ito.
Hindi naman malinaw kung kailan ito nangyari sa lalaki, bagamat base sa CCTV, maaaring naganap ito 24 oras bago siya natagpuan.
Patuloy pa ring nagpapagaling sa ospital ang lalaki, ngunit hindi tiyak kung makaka-recover pa siya o magkakaroon ng permanent brain damage.