13 sugatan sa karambola

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Sugatan ang 13 pasahero, kabilang limang driver nang magkarambola ang kanilang sinasakyan sa Barangay San Benito, sa Aringay, La Union, ngayong Linggo ng Pagkabuhay.

KARAMBOLA

Sinabi ni La Union Police information officer, Maj. Silverio Ordinado, Jr., na kabilang sa 13 nasugatan ang limang driver na sina Jose Ma Carlo De Gui, 31, ng Multinational Ave., Paranque City; Victor Villanueva, Jr., 41, ng Nazareno, Agoo, La Union; Ronie Cabreles, 47, ng Quinarayan, Narvacan, Ilocos Sur; Johny Rae Soliman, 24, ng Sta Cruz, Makati City; at Nito Tabigue, 42, at taga-Numancia Res Urbiztondo, Binondo, Maynila,

Sa ulat ng Aringay Police, binabagtas ni Tabigue ang nasabing kalsada patungong hilagang bahagi ng nasabing bayan, nang mabangga nito ang kotse ni De Gui at sumalpok din sa dalawang sasakyang minamaneho nina Villanueva at Cabreles.

Tinangka namang iwasan ni Soliman ang apat na sasakyan ngunit bumangga rin siya sa mga ito.

Ang mga nasugatan ay isinugod sa Caba District Hospital, at sa La Union Medical Center sa Agoo.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

-Erwin Beleo