Stepfather kulong sa rape, mga boga

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Naghihimas sa rehas ang isang lalaki makaraang gahasain umano niya ang kanyang 10-anyos na stepdaughter, at masamsaman pa siya ng iba’t ibang baril, sa Pasay City.

Nahaharap sa kasong Rape (RA 8353) at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions (RA 10591) in relation to Omnibus Election Code (RA 7166) si Rowel Santiago y Timtiman, 47, ng No. 53 Baes Road, San Gregorio Village, Barangay 188, Zone 20, Pasay City.
Sa ulat nina C/M/Sgt. Joel Landicho at M/Sgt. Alma De La Cruz, may hawak ng kaso, naganap ang umano’y panghahalay sa biktima, 10, sa bahay ng suspek nitong Abril 14 at Abril 18.
Nagsumbong ang biktima sa kanyang ina at humingi ng tulong sa mga pulis, at inaresto ang suspek nitong Biyernes, bandang 1:00 ng hapon.
Sa nakalap na impormasyon ng awtoridad, nagtatago rin ng iba’t ibang uri ng baril ang suspek kaya nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT), Explosives Ordnance Division (EOD) at Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), sa pangunguna nina Capt. Neil Deveraturda at Lt. Allan Valdez.
Hindi na nakapalag ang suspek nang posasan, at nasamsam ang isang Super .38 caliber STI International, na may serial number na 13473; isang empty magazine ng Super .38 caliber; 267 bala ng Super .38 caliber; 87 basyo ng Super.38 caliber; isang 5.56 caliber M16 armalite rifle; Elisco, na may serial number RP100151; isang M16 magazine assembly; isang black rifle bag; isang firearm holster; isang allen wrench; isang ear protector; isang Ultonic leveler; isang SIYER LG110, .5 5/22 caliber airgun; walong canister round, na naglalaman ng airgun pellet; isang 5.56 caliber M16 rifle, T15, SN-scope at tripod; isang M16 rifle empty magazine; isang .22 caliber rifle LR, na walang serial number; isang rectangular plastic, na may firearm accessories; dalawang kahon ng bala ng Super .38 caliber; isang kahon ng fire cartridge cases ng 5.56/M16 rifle; isang kahon ng fire cases ng Super .38 caliber at isang M16 magazine.

Bella Gamotea