Ginang, todas sa tuklaw

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Isang babae ang nasawi matapos umanong matuklaw ng ahas sa isang palayan sa Mangatarem, Pangasinan, nitong Biyernes Santo.

Sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office, dead on the spot si Eva Vinuya, 45, may asawa, ng Barangay Umangan, ng nabanggit na bayan.
Sinabi ng bayaw ni Vinuya, naglalakad umano siya sa bukid nang makita nito ang bangkay ng kanyang hipag sa gilid ng palayan, kamakalawa ng hapon.
Sabi pa ng mga awtoridad, matindi ang kamandag ng ahas na tumuklaw kay Vinuya dahil agad na nasawi ito sa pinangyarihan ng insidente.

Liezle Basa Iñigo