72-anyos, minolestiya ng utol

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Kulong ang isang matandang binata makaraang ireklamo ng 72-anyos niyang half sister sa umano’y pangmomolestiya sa huli sa Valenzuela City, nitong Biyernes ng gabi.

Kinasuhan ng grave threat at act of lasciviousness ang 42-anyos na suspek, ng Barangay Gen. T. De Leon sa nasabing lungsod.
Ayon sa biktima, naalimpungatan siya nang maramdamang may humahalik sa kanyang pisngi at labi, dakong 10:30 ng gabi.
Sa galit, tinadyakan ng biktima ang kinakapatid kaya nahulog ito sa semento.
Tuluyang umalis ang suspek, ngunit nagbanta na papatayin ang biktima kaya nagtungo ang huli sa Police Community Precinct (PCP) 2 at ipinaaresto ang suspek.

Orly L. Barcala