51˚C, naitala sa Cabanatuan

Filed under Probinsya Balita RSS RSS Feed

Pumalo sa 51 degrees Celsius ang heat index sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kamakailan.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nasabing heat index o naramdamang alinsangan sa katawan ng tao ay naitala sa naturang lungsod, nitong Abril 17.
Kaugnay nito, inabisuhan ng PAGASA ang publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig upang makaiwas sa posibleng heat stroke.
Binalaan din ng ahensiya ang publiko sa posibleng pagtama ng iba pang sakit bunsod na rin ng mainit na panahon sa bansa.
Ipinaliwanag pa ng PAGASA, kabilang ang naturang lungsod sa madalas makaranas ng matinding init ng panahon, lalo kapag summer.

Light A. Nolasco