Stop & go sa ‘Salubong’ sa Quiapo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Magpapatupad ng “stop and go” traffic scheme ang pulisya para sa prusisyon sa “Salubong” sa Quiapo Church sa Linggo.

SALUBONG

Ang Salubong ay ang taunang pagsasadula sa pakikipagtipan ni Birheng Maria at ang pagkabuhay ni Kristo.

Paliwanag ni Manila Police District information chief, Lt. Col. Carlo Manuel, ang prusisyon ay sisimulan sa Linggo, dakong 12:00 ng hatinggabi.

Ang ruta ng prusisyon para sa imahen ng Pagbangon ni Kristo ay magsisimula sa Quezon Boulevard (southbound), kakanan patungong Palanca Street, kanan sa Villalobos hanggang Plaza Miranda.

Habang ang ruta ng Birheng Maria ay magsisimula sa Evangelista Street, kakanan sa G. Puyat, kakanan sa Quezon Boulevard (southbound) at kanan sa Plaza Miranda.

-Erma R. Edera