Sarah at Matteo, kailan kaya ikakasal?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ILANG celebrity ang piniling sa Cebu na manirahan at bumuo ng pamilya.

Matteo at Sarah

Cebu has been a second home para sa mag-asawang Donna Cruz at Dr. Yong Larazabal sapul nang ikasal noong Setyembre 19, 1998. Mayroon na silang tatlong dalagitang anak.

Sa Cebu ngayon naninirahan si Direk Carlo J. Caparas mula nang pumanaw si Donna Villa. Ang dating aktibong si Carlo ay parang nanamlay na sa paggawa ng pelikula mula noon.

Taong 2016 nang ikasal si Kaye Abad (who had a brief appearance sa Nang Ngumiti ang Langit) sa Cebuano businessman na si Paul Jake Castillo. Home base nila ngayon ang Cebu.

Cebu welcomed actor John Llyod Cruz sapul nang maging karelasyon niya ang Cebuanang aktres na si Ellen Adarna. Ini-enjoy nila ang ordinaryong pamumuhay at ‘tila matatagalan pa bago magbalik-showbiz si John Lloyd.

Ang hinihintay ng mga Cebuano ay ang pagtira rin ni Sarah Geronimo sa probinsiya ng boyfriend niya of five years na si Matteo Guidicelli.

Eh, kailan nga ba sila pakakasal?

-Remy Umerez