Pinakamakulit si Papa P—Arci

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NASENTRO ang panayam ni Boy Abunda (TWBA) kay Arci Muñoz sa tatlong naging leading men ng aktres.

Piolo at Arci

Simulan natin kung sino ang “pinaka” among JM de Guzman, Piolo Pascual, Jake Cuenca, at isali na rin si Jericho Rosales.

Para kay Arci, si Piolo ang best kisser at pinakamabango. Siya rin daw ang pinakamakulit.

Ang laging nasa salamin at pinaka-vain ay si Jake.

Si JM naman daw ang pinakamaaasahan. Ma t a g a l n a s i l a n g magkaibigan ni JM at ngayon ay leading man niya ang aktor sa The Last Fool Show.

Mamamalas sa The Last Fool Show ang kakayahan ni JM sa pagpapatawa.

Tungkol naman sa kanyang boyfriend na ten years older than her, ayaw daw nito ang babaeng may tattoo, ayon kay Arci.

Ang hindi alam ng BF, may secret tattoo si Arci—sa gilagid.

-REMY UMEREZ