NGITNGIT!

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Triple-double na bentahe, itinarak ng Warriors sa LA Clippers para sa 2-1 abante; Spurs at Sixers, wagi

LOS ANGELES (AP) — Mainit na simula ang muling inilatag ng Golden State. Ngunit, sa pagkakataong ito, walang puwang na ibinigay ang Warriors para makabalik sa laban ang Los Angeles Clippers.

HINDI pinaporma ng depensa ni Andre Igoudala ng Golden State ang ratsada ni Lou Williams ng Los Angeles Clippers sa Game 3 ng kanilang Western Conference first-round playoffs.

HINDI pinaporma ng depensa ni Andre Igoudala ng Golden State ang ratsada ni Lou Williams ng Los Angeles Clippers sa Game 3 ng kanilang Western Conference first-round playoffs.

Umarangkada ang opensa ni Kevin Durant sa natipang 38 puntos, habang kumana si Stephen Curry ng 21 puntos tangan ang limang fouls para sandigan ang Warriors sa 132-105 dominasyon laban sa Clippers nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Tangan ng two-time defending champion ang 2-1 bentahe.

Sinimulan ng Warriors ang ratsada sa 22-9 tear at kumana ng mataas na 73% shooting, sapat para patahimikin ang home crowd sa maagang pagkakataon.

Walang gurlis si Durant sa fine-for-5 field goal at free throws para sa 12 puntos sa first period kung saan ang tambalan nila ni Curry ang nagpalaki sa bentahe sa 19 puntos.

Naitala rin ni Kevon Looney, pumalit sa puwesto nang na-injured na si DeMarcus Cousins, ang 4-for-4 sa first half.

Nakatakda ang Game 4 sa Linggo (Lunes sa Manila) sa Staples Center.

Naitala ng Clippers ang kasaysayan sa NBA nang magawa nilang habulin ang 31 puntos na abante ng Warriors sa Game 2 at maitabla ang serye sa 1-1.

Subalit, sa pagkakataong ito, walang mitsa na nasilaban ang Clippers para makabangon tangan ang mababang 37% shooting.

Tanging si rookie Ivica Zubac ang starter ng Clippers na nakaiskor ng double digits sa 18 puntos. Nalimitahan si Patrick Beverley, matinding depensa ang ibinakod kay Durant sa Game 2, sa anim na puntos, apat na fouls at isang rebound at bokya sa assists.

Nag-ambag si Lou Williams ng 16 puntos mula sa bench, habang tumipa sina Montrezl Harrell at JaMychal Green ng tig-15 puntos.

SPURS 118, NUGGETS 108

Sa San Antonio, hataw si Derrick White sa career-high 36 puntos sa impresibong panalo ng San Antonio Spurs sa No.2 seed Denver Nuggets para makuha ang 2-1 bentahe sa kanilang first round playoff.

Kumana si Nikola Jokic ng 22 puntos, walong rebounds at pitong assists para sa Denver.

Host muli ang Spurs sa Game 4 sa Sabado (Linggo sa Manila).

Binawian ni White si Nuggets point guard Jamal Murray sa kanyang kahanga-hangang opensa na malayo sa Game 2 nang higitan siya ng Murray. Nalimitahan si Murray sa anim na puntos.

Nagawa ni White ang career-high nang ma-fouled ni Paul Millsap sa kanyang driving layup para ibigay sa Spurs ang 99-89 bentahe mat 8:52 ang nalalabi.

Nanguna si DeMar DeRozan sa Spurs na may 25 puntos, habang tumipa sina LaMarcus Aldridge ng 18 puntos, at 11 rebounds, at si Rudy Gay na may 11 puntos at 10 rebounds.

Kumubra si Malik Beasley ng 20 puntos, habang tumipa si Gary Harrri ng 20 puntos.

SIXERS 131, NETS 115

Sa New Yor, ratsada si Ben Simmons sa naiskor na career playoff-high 31 puntos, habang nakgsalansan si Tobias Harris ng 29 puntos at 16 rebounds sa panalo ng Philadelphia 76ers kontra Brooklyn Nets para sa 2-2 bentahe.

Sa kabila ng pagkawala ng All-Star center na si Joel Embiid sa injury, nanalasa ang Sixers, sa pangunguna ni Simmons sa kahanga-hangang 11 for 13 .

Nawala ang pananabik ng crowd nang ipahayag ng koponan na hindi makalalaro ang star center dahil sa pamamaga sa kaliwang tuhod.

Kumana sina D’Angelo Russell at Caris LeVert ng tig-26 puntos para sa Nets.