Kyline, sa New York naman aawra

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA mga election campaigns na lang nagkikita ang magka-love team sa Kambal Karibal na sina Kyline Alcantara at Jeric Gonzales.

Kyline copy

Kaya nang magkita sila sa proclamation rally ni Enrico Roque, na tumatakbong mayor ng Pandi, Bulacan, panay ang kuwentuhan ng dalawa habang hinihintay na tawagin sila para kumanta.

Nagbiro pa si Jeric na iiwan siya ni Kyline dahil papunta ng New York si Kyline para sa Studio 7 Musikalye na gagawin sa Brooklyn, sa May 11.

Hindi rin sila magkasama sa Afternoon Prime na Inagaw Na Bituin, kung saan isa si Kyline sa mga bida. Kaya hindi talaga sila nagkikita.

Sabi naman ni Kyline, kahit hindi sila nagkikita madalas ni Jeric, mahal pa rin niya ang kaibigan at wish din niya na muli silang magkatrabaho.

Samantala, kahit napurnada ang bakasyon sa Holy Week, okay pa rin kay Kyline dahil trabaho ang kapalit noon. Tuloy ang taping niya ng Inagaw Na Bituin, lumalabas pa rin siya sa Sunday PinaSaya, at tuloy ang shooting ng pelikula niyang Black Lipstick.

“Bawi na lang ako ng bakasyon sa New York, at sa New York ako rarampa. Hindi ako papayag na hindi ako makapanood ng musical show. Nag-usap na kami ni Direk Mark (Reyes) na manonood kami ng plays, marami kaming panonoorin hanggang kaya namin,” pagtatapos ni Kyline.

-NITZ MIRALLES