Fun in the sun

Filed under Balita, Features Balita RSS RSS Feed

SUMMER is just around the corner at ito ang perpektong panahon para magsaya at magtampisaw sa dagat kasama ang pamilya at barkada. Bago iempake ang swimsuits at makukulay na flip flops, siguraduhing ihanda ang lahat ng mahahalagang bagay upang maging masigla, ligtas at masaya ang summer adventures.

Summer fun

Para panatilihing malusog ang pangangatawan ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang magbanat ngayong summer. Habang nagpapakasaya outdoors, huwag kaligtaang isaang-alang ang kalusugan.

Here are health tips to enjoy your summer right:

1. Stay hydrated

Dahil sobrang init ay mas maraming pawis o tubig ang lumalabas sa katawan. Dahil dito, mabuting uminom ng sapat na dami ng tubig (8-12 glasses of water) kada oras nang huwag ma-dehydrate.

2. Apply sunscreen

Bago magpunta sa beach, siguraduhing protektahan ang balat mula sa mapaminsalang ultraviolet rays ng araw. Ang pagpapahid ng sunscreen ay makatutulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunburn at skin cancer. Mas mainam na magpahid ng sunscreen 30 minuto bago magpainit, at maglagay ulit kada dalawang oras.

3. Wear sunglasses

Malaki ang epekto ng pagsusuot ng sunglasses sa kalusugan ng mata. Sensitibo ang mga mata at ang labis na pagkakalantad nito sa araw ay maaaring mauwi sa pagkakaroon ng sakit sa mata gaya ng cataracts, glaucoma, macular degeneration, at pterygium. Ngunit ngayong panahon ng tag-init, ay uso ang pagkakaroon ng sore eyes. Ayon sa mga eksperto, ang palagiang paghuhugas ng kamay ay nakatutulong para limitahan ang pagkalat ng bacteria na nagdudulot ng sore eyes o conjunctivitis.

4. Eat right

Of course, to make the most out of your summer, dapat na kumain ng masusustansyang pagkain. Kumain ng mga gulay at prutas na in season at iwasan ang pag-inom ng unhealthy smoothies na gawa sa frozen yoghurt o ice cream dahil mataas ang calorie content ng mga ito. Mas mainam din kung makapagdadala ng sariling pagkain kung maglalakbay para makaiwas sa food poisoning, ang mga luto nang pagkain kasi ay mas madaling mapanis kung tag-init.

5. Be conscious of the ‘6S’

Ang six common summer diseases na ay sore eyes, sunburn, suka at tae (diarrhea), sipon at ubo (colds and coughs), sakit sa balat (skin diseases) at sakmal ng aso (dog bite).

-DIANARA T. ALEGRE