4 deboto, dedo sa karambola

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Apat na debotong magbi-Visita Iglesia sana sa Pangasinan ang nasawi nang salpukin ng isang truck ang sinasakyan nilang apat na motorsiklo sa Paniqui, Tarlac, nitong Huwebes Santo.

KARAMBOLA

Kinilala ni Col. Jesus Atchico Rebua, provincial director, ang mga nasawi na sina Marlon Mendoza, 21, may-asawa, ng Sitio Bitas, Barangay Batasan, Macabebe, Pampanga; Christian Sunglao, 16, binata, ng nasabing lugar; Ronnel Hernandez, 32; at kaangkas na si Anabelle Canilao, 28, kapwa taga-Sitio Bitas, Barangay Batasan, Macabebe, Pampanga.

Sugatan naman at isinugod sa pagamutan sina Loverich Dela Cruz, 27; rider, at kaangkas na si Analizabeth Hipolito, 27, ng Barangay Tenejero, Candaba, Pampanga; Ernand Fresnido, 27,  ng Tañada Subdivision, General T. De Leon, Valenzuela City, at kaangkas na si Raquel Buama, 25, dalaga, ng Talon Uno, Golden Acres, Las Piñas City.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na si Andres Bobis, 54, ng national highway, San Pedro City, Laguna.

Patungo na sana ang mga ito sa Manaoag Church, sakay ng apat na motorsiklo, para sa taunang Visita Iglesia nang bigla silang salpukin ng truck na minamaneho ni Bobis, dakong 8:30 ng gabi.

-Leandro Alborote