2 bata, nalunod sa beach

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

SAN FERNANDO CITY, La Union – Dalawang bata ang nasawi nang malunod ang mga ito sa isang beach resort sa Dagupan City, nitong Huwebes.

NALUNOD

Nakilala ang dalawa na sina Angel, 5; at Mesha, 6, kapwa taga-Block 14, Lot 13, Palmera, Bulacan.

Sa ulat ng mga awtoridad, nagtungo ang pamilya ng dalawa sa Bonuan Tondaligan beach, sa Barangay Bonuan, upang maligo, kamakalawa ng umaga.

Sinabi sa report, nagawang masagip ang dalawa at isinugod sila sa ospital ngunit binawian din sila ng buhay.

-Freddie G. Lazaro