Pauline Mendoza, sawa na sa paulit-ulit na isyu

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

NASULAT sa online entertainment portal ni katotong Glenn Regandola ang artikulong may titulong “Jeric Gonzales speaks up about rumored breakup with Pauline Mendoza”. Sabi, itinanggi ni Jeric Gonzales at sinabing wala silang relasyon ni Pauline Mendoza. Friends lang daw sila ever since.

Pauline at Jeric

Agad kinuha ni Yours Truly ang sagot dito ni Pauline.

“Nu’ng nakita ko po ‘yung article natawa lang po ako, to be honest, and nagulat po ako kasi nakita ko na naman po ulit kung sino ‘yung sumulat. Parang sa naalala ko, siya rin po ‘yung sumulat sa ‘kin nang hindi magagandang article before and ‘til now pa rin po pala, siya pa rin. So na-sad naman ako na parang akala ko okay na pero another issue na naman, and this time mas nagulat ako kasi about sa ‘min ni Jeric.

“Unang-una po sa lahat, again sa paulit-ulit nang tanong sakin, Jeric and I are good friends. We’ve known each other matagal na, sa mga workshops pa noon magkasama na kami ni Jeric and super-super close ko po si Jeric talaga.

“And sana wish ko po na last na ‘to na issue about us kasi ‘di ba, wala naman talaga or kung magkakaron man wait na lang kayo. Char! Kami po mismo ang magpapasulat o magsasabi. Joke lang po!” natatawang sabi ni Pauline.

“Pero ‘yun nga po, if ang daming issues na break or kami daw ni Jeric, eh wala and sa amin parang no need naman malaman. We’re good and nandito lang kami sa isat isa. Alam niya ‘yun na support lang sa career niya o sa ‘kin, ‘yun lang. Chill lang, walang seryosohan.

“Eh sa mga nababasa ko pong article seryoso, eh, kaya natatawa po ako. Don’t waste your time with us na lang din. Hayaan na lang, ‘di ba, kung makita man magkasama kami, so what? We all have rights and freedom to live in this world.

“And sa sinasabi na hugot ko daw po sa Twitter, yes, ilang beses na ako naghuhugot sa social media ko, and ano masama du’n? Ang daming naghuhugot ngayon po sa social media.

“And you know, it doesn’t give you enough meaning na totoo ‘yung mga hugot ko or posts ko sa social media ko na nangyari sa ‘kin. Sometimes you just want to share those kind of stuff sa mga tao and we all know na nabubuhay ang social media sa ngayon sa mga hugot na ‘yan. So ‘yun lang walang ibang meaning lalo na, walang kinalaman samin ni Jeric o kung kanino man.

“And another thing po sana, let’s just stop making issues or anything nalang. Wait na lang. Ako magbabalita. Joke! Let’s live our own life na lang. Kami ni Jeric, we know the truth, ‘yung friendship namin tested na and we really trust each other,” pagtatapos at paglilinaw ni Pauline sa isyung love romance or break-up nila ni Jeric.

K, noted.

-MERCY LEJARDE