Caltex Ka-Roadtrip Motorists Assistance Program

Filed under Balita, National / Metro Balita RSS RSS Feed

DAGSA na ang mga commuters at biyahero pauwi sa kanilangmga lalawigan para sa mahabang bakasyon ng Holy Week.

At tulad ng mga nakalipas na taon, kaakibat na suliranin sa kalsadahan ang trapiko, gitgitan at higit sa lahat ang hindi inaasahang sira ng sasakay tulad ng flat na gulong at overheat.

Sa ganitong sitwasyon, asahan ang kahandaan ng Caltex, pinangangasiwaan ng Chevron Philippines Inc. (CPI), upang tumulong at tumugon sa emergency situation n gating mga kababayan.

Simula Abril 17 hanggang 21, nagbibigay ng libreng vehicle check-ups at emergency road assistance ang Caltex Ka-Roadtrip Motorists Assistance Program para masiguro ang kaligtasan ng mga commuters pauwi sa kanilang mga lalawigan at pabalik sa Manila.

Naghihintay rin sa mga motorist ang kapana-panabik na promos sa bawat pagpapakarga ng gas sa Caltex NLEX, SLEX Southbound at NLEX Northbound.

May P10 pisong diskwento bawat isang litro ang mga mananalo sa ‘Liter Lottery promo’ kung saan ang masuwerteng makakabunot sa numero ng huling digits ng plate no. ng sariling sasakyan sa pagpapakarga ng full tank.

Ang Toyota Motorist Assistance Program ay handa naman na umayuda sa mga motorista gamit ang anumang sasakyan ng Toyota sa Caltex SLEX Southbound, SLEX Northbound at Rosario, La Union mula April 18 hanggang 21 simula 8AM hanggang 5PM.

Ilalarga naman ng GMA ang Bantay Biyahe sa April 18 simula 10AM hanggang 3PM sa Caltex SLEX Southbound at sa April 21 mula 5PM hanggang 10PM sa Caltex SLEX Northbound.

Ang Caltex Ka-Roadtrip Motorists Assistance Programay umaayuda sa sa tuwing may malaking okasyon tulad ng Undas, Lent at Paslo mula nang ilunsad noong 2013.

Matatagpuan ng motorist ang pinakamalapit na Caltex station sa kanilang biyahe sa pamamagitan ng Caltex Locator app sa Google Play at App Store.