Bong Revilla, sure nang may entry sa MMFF

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

FIRST time naming marinig si Bong Revilla na magsalita sa harap ng maraming tao at nangyari ito sa proclamation rally ni Enrico Roque na muling tumatakbong mayor sa Pandi, Bulacan pagkatapos matalo sa 2016 elections.

Bong

Ang husay magsalita ni Bong at nakakatuwang hinaluan niya ng comedy ang speech, kaya natawa ang mga taga-Pandi. Sabi ni Bong, sa pagpayat niya dahil sa kampanya, napagkakamalan siyang ang anak na si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla.

Ginamit din ni Bong sa kanyang speech ang “anak ng Teteng” na dialogue sa ilang pelikula niya, kaya lalong natuwa ang mga tao.

Ngayong Holy Week, tigil muna sa kampanya si Bong para i-observe ang Holy Week sa Boracay na nakaugalian na nila. Pansamantalang natigil ang taun-taon nilang ginagawa dahil nakulong si Bong, pero ngayong nakalabas na siya sa kulungan, ibinalik nila ang nakaugaliang gawin.

“Bonding na rin namin ang Holy Week sa Boracay dahil hindi na kami nagkikita-kita. Pare-pareho kaming busy sa pangangampanya, kaya lulubusin namin ang Holy Week,” sabi ni Bong.

Samantala, sa latest survey result, kasama pa rin sa Top 12 si Bong na ipinagpapasalamat nito sa mga nagmahahal sa kanya.

“Nasa top 6 ako sa latest SWS survey, kaya natutuwa ako dahil despite sa mga pinagdaanan ko sa buhay, nandoon pa rin ang tiwala sa akin ng tao. Everywhere I go, ramdam ko ang pagmamahal sa akin ng mga tao sa init nang pagtanggap, at init ng mga yakap. Kikilabutan ka ‘pag nakita ninyo kung paano nila ako minamahal,” patuloy ni Bong.

Samantala, tuloy na ang pagsali ni Bong sa 2019 MMFF na sinabi na rin niya sa una niyang pagharap sa press people.

“Sure na ‘yun. I’m open kung kunin ako ninuman at open ako kung may combination na gusto akong makasama. Open si Bong kahit sino ang ka-combination. May nakahanda na akong project. Pero, dapat manalo muna tayo, mangampanya muna tayo, saka na ang pelikula,” pagtatapos ni Bong.

-Nitz Miralles

  • Romeo Matulin

    Happy Vacay po muna Sir Idol Kap 🙂 Alam ko po na kailangan ninyong magbonding muna na pamilya.

  • Wilma Roses

    Hopefully one day makita din po kita in person

  • Lucy Tranazi

    Proud supporter here of your family lalo na po sa wife mo na si Mayor Lani dahil totoo po yung sinabi mo na Superwoman siya ng iyong pamilya.

  • Monita Berlen

    Alam ko na mas priority muna sa ngayon ni Senator Bong Revilla ang pagbabalik niya sa senado at ang pangangampanya para makapaglingkod po ulit siya sa bayan.

  • MJ De Asis

    Kami po ay mga supporters ni Senator Bong at hinding hindi kami magsasawa na suportahan siya hanggang huli.

  • Kim Hechanova

    Sulitin mo po muna ang bakasyon ng iyong pamilya Senator Bong at sa pagbalik nnyo arangkada po ulit tayo 🙂

  • Reynaldo Ganio

    Mananalo si Senator Bong Revilla sigurado po yan

  • Ace Halili

    Sa SWS Survey nasa TOP 6 po ang ating butihing senador kaya naman kaming mga supporters nya ay napakasaya

  • Janina Ballesteros

    Kahit na marami ang gustong bumalik si Senator Bong sa pag aartista mas kailangan natin siya sa senado ngayon. I am sure open naman siya sa pagbabalik showbiz pero may mas priority po siya sa ngayon.

  • Roger Portante

    Magaling na lider na mapagkakatiwalaan nating lahat. Yang MMFF na yan dami din nakaabang sa pagbabalik sa pelikula ng ating nag iisang agimat ng masang Pilipino.

  • Aaron Cortes

    Mainit na tinanggap ng mga taga Bulacan ang ating idol na si Sir Bong Revilla. Kaya naman labis ang pasasalamat ng dating senador sa pagsalubong sa kanya ng mga ito.

  • Mandy Apollo

    Sabi nga ng senador open naman siya sa mga new projects in showbiz pero dapat manalo muna siya dahil mas gusto niya ang maglingkod at mag serbisyo sa bayan .

  • Moshe Ilagan

    Sa loob ng ilang taon na hndi buo ang iyong pamilya senator dahil sa mga pagdiin ng mga taong inggit sayo sa politika finally now kumpleto na po kayo. So happy for your family po.

  • Antonio Mendevill

    Masaya po ako na magkakasama na din kayo ng iyong pamilya na buo ngayon Holy Week.

  • Jane Del Mundo

    Pasok sa TOP 12 yan lage si Senator eh kaya naman nakakasiguro na ako na mananalo siya.