2 ‘tulak’ dedo sa Bulacan ops

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

CAMP GENERAL ALEJO SANTOS, Bulacan – Tumimbuwang ang dalawang umano’y drug pusher habang arestado naman ang tatlong iba pa sa magkakahiwalay na kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga sa Bulacan, kaninang madaling araw.

OPS

Ipinahayag ni Col. Chito Bersaluna, Bulacan Police Provincial director, dead on the spot sina Michael Jayson Dominguez Juntong, alyas “Biik”, 29, ng Bgy. Sto Cristo, Pulilan, at Richard Clemente, ng San Rafael, ng nasabing lalawigan, dahil sa mga tama ng bala sa kanilang kanilang katawan.

Napatay aniya si Juntong nang pumalag ito sa buy-bust operation Bgy. Sto. Cristo, Pulilan.

Pagtatanggol ng mga pulis, binaril sila ni Juntong matapos nitong mahalatang isa lamang patibong ang nasabing transaksyon.

Narekober kay Juntong ang isang cal. 38 revolver at limang plastic sachet ng umano’y shabu.

Sa San Rafael, lumaban din umano si Clemente nang isailalim ito sa anti-illegal drugs operation sa Bgy. Pulong Bayabas, nitong Miyerkules ng gabi.

Tumimbuwang si Clemente nang makipagbarilan umano ito sa mga tauhan ng San Rafael Police at Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-Region 3.

Narekober sa suspek ang isang cal. 45 pistol at siyam na plastic sachet ng iligal na droga.

-Freddie C. Velez