Tambalan ng Caltex at MVP Rewards

Filed under Balita, Nacional / Metro Balita RSS RSS Feed

MAY dagdag na regalo ang Caltex, pinangangasiwaan ng Chevron Philippines, Inc. (CPI), sa mga tapat at regular customers.

MVP REWARDS! May bagong regalo ang Caltex

MVP REWARDS! May bagong regalo ang Caltex

Sa pakikipagtambalan sa MVP Rewards and Loyalty Solutions, Inc., ipinahayag ng Caltex ang bagong programa na makapagbibigay ng napapanahong regalo sa mga tagapangtangkilik.

Simula sa April 15, makakakuha ng regalo ang mga MVP Rewards members sa kanilang pagpapagasolina sa lahat ng Caltex stations sa bansa.

Sa bawat pagpapakarga ng gasolina sa lahat ng Caltex station sa bansa, makakakuha ng rebate ang mga tagapagtangkilik, sa pamamagitan ng MVP Rewards na isinusulong ng Pay Maya. Sa ipapakargang 5 liters ng Platinum with Techron, Silver with Techron at Diesel may P1 pisong rebate na katapata.

“We have designed the MVP Rewards program with one audience in mind – our customers. We have taken what’s best across industries and put it in one powerful program leveraging on the PLDT group that has the unique ability to provide,” pahayag ni Juan Victor Hernandez, Director of MVP Rewards and Loyalty Solutions Inc. and SVP, Head of Enterprise Business for PLDT and Smart.

“Caltex continues to innovate in the consumer rewards landscape by forging key partnerships with industry leaders. Our latest partnership with MVP Rewards and Loyalty Solutions Inc is another testament to this,” giit naman ni Louie Zhang, CPI country chairman. “We believe Filipinos work hard for their money and are always looking for ways to bring more to the table. The Caltex andMVP Rewards partnership gives cashback on fuels just by presenting a rewards card. We know this will give our customers more value for their money.”