PITPITAN!

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MMA: Pinoy vs Korean sa Cage Gladiators

NAKATAYA ang dangal at karangalan sa ilalargang Philippines vs Korea: Fight Night III Mixed Martial Arts championships Liggo ng gabi sa Skydome ng SM North EDSA.

INIHANDA nina Burn Soriano (ikalawa mula sa kaliwa) at Laurence Canavan ang high-level MMA card sa Cage Gladiators.

INIHANDA nina Burn Soriano (ikalawa mula sa kaliwa) at Laurence Canavan ang high-level MMA card sa Cage Gladiators.

Sa pagtataguyod ng Cage Gladiators ni Laurence Canavan at Hitman MMA ng pamosong MMA champion Burn Soriano, inaasahan ang pitpitang aksiyon sa main event na tatampukan ng mga sumisikat na local fighters laban sa Korean rivals.

Haharapin ni Jeffrey ‘Hitman’ Biron ng MUMMA Fight Club ang pambato ng  Extreme Combat na si Korean Kim Jae Woong sa three-round featherweight contest.

Magkakasubukan naman sina Miguel Alo ng Sprawl MMA at Extreme Combat’s Min Hyeok Lee sa lightweight division.

“Inihanda namin ang main event para talagang mapulaw ang interest n gating mga kababayan. I am proud that local MMA is reaching new heights and with the Philippines vs. Korea fight card, let’s get ready to rumble,” pahayag ni Soriano.

“This will be a treat for fans as we all continue to raise the bar in promoting fighters and giving them the necessary platforms to be successful in local MMA,” pahayagan naman ni Canavan, dati ring aktibo sa UFC.

Iginiit nina Canavan at Soriano na mas marami at mas malalaking MMA fight card ang kanilang ilalatag upang tulungan ang sortrs at mga local fighters na mabigyan ng tamang lugar sa katuparan ng kanilang pangareap na mapalaban sa mas mataas na level ng kompetisyon.

 “It’s the third Fight Night. This is very exciting kasi ‘yung maglalaban is Korea versus Philippines. This is the best first time that we invited the best of the Korean fighters para pumunta at lumaban sa event dito,” pahayag ni Soriano sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’ kamakailan.

Nagpahayag din ng tiwala si Soriano sa faling ng Pinoy higit sa aspetp ng striking.

 “Siguro it’s in our traces already, way, way back in the days of our hero Lapu-Lapu. Naniniwala ako sa mga Pinoy na may knockout power talaga, ‘yun talaga ang gift nila,” sambit ni Soriano.

Iginiit naman ni Canavan na handa siyang magsakripisyo para matulungan ang local MMA fighters.

 “I believe in giving back to the community. I’ve done a lot of programs for poor children like feeding programs, but one of my passions is really MMA. When I found out about the fighters here, and I started to take a closer look at the fighters, we really have a deep talent pool in this country for MMA. Eventually, I find out that there’s no assistance for them, so I formed a non-profit organization,” pahayag ni Canavan.

“What I do is I have companies that donate into the foundation, and the foreign companies that we have right now are loving this, but we need to expand it because the more comes in, the more fighters we can help out. Right now, we have fighters in ONE FC, UFC, Brave, URCC, among others.”

-Edwin Rollon