Maalinsangang Kuwaresma

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Magiging maalinsangan ang paggunita ng bansa sa Semana Santa.

WEATHER

Sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) patuloy na makaaapekto sa buong archipelago ang easterlies.

Bukas, Miyerkules Santo, maalinsangan ang panahong mararanasan bagamat posible ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat sa hapon partikular sa bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales.

Sa Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay (Abril 18-21), maulap na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat ang mananalasa sa Visayas at Mindanao.

Habang mainit pa rin ang mararansang panahon ng natitirang bahagi ng bansa.

Hanggang Sabado mananatili ang mainit na panahon, na may maximum heat index sa Metro Manila mula 37.3 hanggang 38.6 degrees Celsius.

Mainit din sa Cagayan Valley sa maximum heat index sa pagitan ng 36.3 at 38.9°C sa susunod na apat na araw.

-Ellalyn De Vera-Ruiz