Free Holy Week tour sa Ilocos Norte

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Heads up sa mga panorte d’yan!

LIBRE

Nag-aalok ng tatlong araw na libreng tour ang Ilocos Norte Tourism Officesa mga pilgrimage sites sa lalawigan simula sa Huwebes hanggang sa Sabado.

“We come up with this free Holy Week tour to cater the influx of tourists and visitors,” pahayag ni Xavier Ruiz, tourism officer.

Sa Huwebes Santo, magsisimula ang libreng Holy Week tour sa southbound ng Ilocos Norte, at lilibutin ang Malacañang of the North, Paoay Sand Dunes, UNESCO World Heritage Site na St. Agustine Paoay Church, Ferdinand E. Marcos (FEM) Presidential Center, La Milagrosa Cove, Minor Basilica of Badoc, La Virgen Milagrosa Shrine, at Luna Shrine.

Sa Biyernes Santo, silangang bahagi ng probinsiya ang pupuntahan at bibisitahin ang Sta. Monica Church, Dingras Church, Balay Dingras, Escoda Shrine, at Nueva Era Eco-Cultural Park.

Samantala, sa Sabado de Gloria ay ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte ang dadayuhin, at pupuntahan ang Bacarra Church, Pasuquin Mangroves, Cape Bojeador Lighthouse, Kapurpurawan Rock Formation, Bangui Windfarm, Saud Municipal Beach Park, at Patapat viaduct.

Ang libreng tour ay bahagi ng kampanya ng pamahalaang panglalawigan upang mapasigla ang turismo sa Ilocos Norte, at magbibigay ng abot-kaya at makabuluhang paggunita sa Semana Santa sa mga bisita.

Ang mga interesadong sumama sa tour ay mangyaring makipag-ugnayan sa tourist center sa La Tabacalera, Laoag City.

-Freddie G. Lazaro