Black hole, walang epekto sa tao, panahon

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

INIHAYAG ng astronomer ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kamakailan na walang epekto ang black hole sa mga tao at sa panahon.

“It is too far from Earth. It does not affect the weather. No effect on human beings,” sabi ni Mario Raymundo sa Philippine News Agency (PNA).

Nitong nakaraang linggo, isang ‘tila larawan ng black hole ang kumalat online.

Inilarawan ng Wikipedia ang black hole bilang “a region of space time exhibiting such strong gravitational effects that nothing — not even particles and electromagnetic radiation such as light — can escape from inside it. The theory of general relativity predicts that a sufficiently compact mass can deform spacetime to form a black hole.”

Sabi ni Raymundo, ang black hole ay batay sa “life cycle” ng mga bituin.

“As the stars age, they become lighter. But when there are massive stars — those that have a mass greater than 5, a black hole appears,” aniya pa.

Binanggit din ng astronomer na hindi natin makikita ang black hole, dahil “as this appears after billions of years”.

“Also, a naked eye would not see it. It requires a special instrument to see a black hole image,” aniya pa.

Siniguro rin ni Raymundo na kung papasok ang isang taon sa loob ng black hole, hindi na ito makakalabas pa roon. “It would be like the person would keep on circling inside the black hole,” dagdag pa niya.

Gayunman, ipinagdiinan niya ring sobrang layo ng black hole sa Earth at hindi nito maaapektuhan ang sinuman, kahit pa ang panahon.

“If for instance it is near the Earth, the first thing it could absorb is the sun,” sabi ni Raymundo.

PNA