Alden at Kath, ‘di makapag-shooting sa HK

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA isang shopping mall sa Hong Kong nag-shoot ng Hello, Love, Goodbye sina Alden Richards, Kathryn Bernardo, at Joross Gamboa, pero talagang nahirapan silang mag-shoot sa kapal ng mga taong nanonood at nag-uusyoso sa shooting ng movie ng Star Cinema.

Alden

Bale ba two days pala silang hindi nakapag-shooting nang maayos dahil laging umuulan sa Hong Kong. At kapag puwede naman silang mag-shoot, problema ang dami ng mga taong dumarating para manood. May ipinost pa ngang video na nagkakagulo talaga ang mga tao.

Nakiusap na si Direk Cathy Garcia- Molina na baka raw paalisin na sila at hindi na pabalikin sa lugar kung ganoon kagulo ang mga nanonood sa kanila. Balitang marami sa fans na nanonood sa shooting ay galing pa sa Pilipinas at sa ibang lugar sa Hong Kong.

So, last Sunday nga, April 14, triple ang dami ng tao dahil day-off ng mga OFWs (overseas Filipino workers). Papunta pa lang sa location si Alden, sinusundan na siya ng maraming tao habang naglalakad.

Kaya para makapag-shooting sina Alden, kasama si Direk Cathy, ay nakiusap na mismo ang aktor sa mga fans.

“Hihingi po kami ng konting cooperation para ma p a d a l i a n g shooting natin, dahil ito pong kinukunan na t in ngayon a y ipapakita namin sa pelikula kung ano ang buhay ng mga Pinoy ngayon dito sa Hong Kong. Para po sa inyong lahat ito.

“Makikisuyo rin po kami na huwag po muna kayong mag-post sa social media para maging surprise ito sa mga kababayan natin sa Pilipinas pati sa ibang parte ng mundo. Sana po maging easy ang araw natin ngayon. S o , ma r ami n g salamat po sa inyong lahat,”pakiusap ni Alden.

-NORA V. CALDERON