Kikay Mikay, super busy sa paggawa ng movies

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

VERY happy ang kids host ng “Smack Pinoy Ito” ng Bee Happy Go Lucky na sina Kikay Mikay sa estado nila ngayon sa showbiz world.

Kikay at Mikay

Bukod sa nasabing TV show, na napapanood sa Channel 13 tuwing 4:30 ng hapon, may mga product endorsements din sila, tulad ng Erase cologne, Belgian Waffle, Halimuyak perfurme, at may mga iba pa silang endorsements sooner than soon na sure na magugustuhan ng mga tao, of all ages. Meaning, b a t a m a n o matanda.

M e r o n d i n s i l a n g bagong movie na gagawin, pero inaayos pa lang ito as of this writing. Una nang nabalita na itatambal si Mikay kay Bamboo B. para sa isang advocacy or indie film ni Direk Jigz Recto.

Okay lang naman kay Kikay na magsolo si Mikay, dahil suportado naman nila ang bawat isa. As in kung sino ang mas maunang mabigyan ng solo movie project or teleserye, wala naman daw problema ‘yun sa bagets duo.

Pero tipong mas mauuna nilang gawin ang pelikulang Wind Chime, to be directed by Jes Land, na nagsimula nang i-shoot nitong Marso.

After Wind Chime, gagawin din ng Kikay Mikay ang mga pelikulang Pinay Da Wander Witch at No Rules, both to be directed by Michael Daya.

Hoping din ang Kikay Mikay na makasama sa gagawing pelikula ng BG Productions, na matagal-tagal na rin namang ipinangako sa kanila ni Madam Baby Go.

Wel l , wi sh din namin na habang lumalaki itong sina Kikay at Mikay ay lalo pang dumami ang kani lang mga gagawing p e l i k u l a a t madagdagan pa ang kanilang p r o d u c t endorsements para boom boom boom ang kanilang showbiz career. ‘Yun na!

-Mercy Lejarde