Gasolina, tataas ng P1.05

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Muling magpapatupad ng big-time oil price hike sa bansa bukas, Martes Santo.

(kuha ni Mark Balmores)

(kuha ni Mark Balmores)

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga bukas, Abril 16, ay magtataas ito ng P1.05 sa kada litro ng gasolina, P0.75 sa diesel, at P0.60 sa kerosene.

Sinundan ito ng Petro Gazz at PTT Philippines, na magpapatupad din ng kaparehong dagdag-presyo sa gasolina at diesel.

Ang bagong taas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

-Bella Gamotea