Bata, tiklo sa pagpatay ng buntis; anak

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Arestado ang isang 12-anyos na lalaki na umano’y salarin sa pagpatay sa isang buntis at 4-anyos na anak sa Lubao, Pampanga, nitong Linggo

BATA

Sa ulat ng Lubao Police, sasampahan na nila ng kasong murder ang naturang suspek na sinasabing kaanak at kapitbahay ng mga biktima.

Ayon sa pulisya, matibay ang hawak nilang ebidensya, kabilang ang isang kutsilyo na ginamit sa pananaksak at testigong magpapatunay kagagawan ng suspek ang krimen.

Nairita umano ang binatilyo dahil sa napagalitan ito ng biktima nang mahuling nagnanakaw ng P100 kaya’t nangyari ang pamamaslang.

Ang bangkay ng mga ito ay natagpuan ng kanilang padre de pamilya.

-Beth Camia