Bangkok mall fire: 3 patay, 8 sugatan

Filed under Daigdig Balita RSS RSS Feed

Tatlong katao ang nasawi at walo ang nasugatan makaraang sumiklab ang sunog sa isang shopping center sa Bangkok, Thailand, nitong Miyerkules ng gabi.

MALL FIRE Nagtipun-tipon ang mga emergency rescue teams sa labas ng Central World mall complex sa Bangkok, Thailand nitong Miyerkules ng gabi. AP

MALL FIRE Nagtipun-tipon ang mga emergency rescue teams sa labas ng Central World mall complex sa Bangkok, Thailand nitong Miyerkules ng gabi. AP

Kaagad na inilikas ang mga tao mula sa Central World Complex, ayon sa operator nitong Central Pattana. Bukas pa rin ang hotel na kanugnog ng mall, pero pansamantala nang isinara ang huli.
Kaugnay nito, nakita sa isang video ang pagtalon ng isang tao mula sa bintana ng ikawalong palapag ng mall upang iligtas ang sarili.
Nagsimula ang sunog sa parking lot ng establisimyento, ayon sa pulisya, bagamat hindi pa batid ang pinagmulan ng pagliliyab.

AFP