Init papalo sa 40˚C

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Asahan na ang mas mainit na panahon sa Abril at Mayo, dahil inaasahang papalo sa 39-40 degrees Celsius ang temperatura, partikular sa Luzon.

WEATHER

Sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang papalo ang temperatura sa Abril mula 30.4-30.5 hanggang 39.1-39.5˚C sa mabababang bahagi ng Luzon at Northern Luzon.

Sa Metro Manila, ang temperatura ay maglalaro sa 35.1-38˚C; sa Visayas, 32.1-38˚C; at sa Mindanao, 33.3 hanggang 38.9˚C.

Mas mataas ang forecast sa Mayo, mula 30.6-31.8˚C hanggang 40.4-40.7˚C sa mabababang bahagi at Northern Luzon.

Nasa 36.2-38.2˚C ang temperatura sa Metro Manila; 32.8-38.3˚C sa Visayas; at 32.9-38.8˚C sa Mindanao.

Base sa datos ng PAGASA, ang pinakamataas na temperaturang naitala sa bansa ay 42.2˚C, at naramdaman sa Tuguegarao City, Cagayan noong Mayo 11, 1969.

-Ellalyn De Vera-Ruiz