‘Sa kagustuhan kong makatulong…‘to pa napala ko’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

GAYA ng ipinangako naming patas na paglalahad sa magkabilang panig para sa balanseng pagbabalita, hiningi ni Yours Truly ang permiso ni Ms. Kathelyn Dela Cruz Dupaya kung puwedeng maisulat ang kanyang Facebook post last March 19, 2019 na tipong sagot niya sa pagkumpirma ni Atty. Ferdinand Topacio na nagsampa ng kasong estafa si Ynez Veneracion laban sa negosyante.

Kathelyn

Nagbigay naman ng go-signal si Ms. Kathelyn kay Yours Truly, sa pamamagitan ng palitan namin ng mensahe sa Messenger, para sa side niya regarding said matter.

Sa kanyang post, iginiit ni Ms Kathelyn na tumulong lang siya sa mga nangangailangan dahil naranasan din niyang kapusin sa pera.

“I just help those people who are in need. Naranasan ko ang buhay na walang-wala at wala man lang kusang tumulong. Kaya ‘pag may nag-ask ng help, basta meron ako, I never say no, kahit ‘di ko kilala, maliit man or malaki basta I will help,” saad sa post niya, saka ipinaliwanag ang tungkol sa investment umano ni Ynez sa kanyang negosyo.

“Grabe, sa 8% na ito 2% lang kinita ko, 6% sa kanila lahat. Effort, work, pagod, lahat ako. I consider this kasi I treat you as my sister, not a friend. In fact I don’t need your money to share sa company ko.

“I don’t even have a partner in my business or loan sa bank when I started my business kasi pinagkakasya ko kung ano hawak ko cash. I always advice my staff na ‘wag mangutang sa supplier, all deliveries from the suppliers must be paid on the day they delivered.

“Sa kagustuhan ko makatulong sa kaibigan, buti sana naloko sila, nawala pera nila. Kung tutuusin naibalik ko pera, malaki pa kinita, on my own work hard. Pawis at pagod ang inilaan ko to gain that profit and in the end ito reward ko sa mga pagod at kabutihan na ibinigay ko sa kanila, ang pahiyain ako sa buong mundo.”Iginiit din ni Ms Kathelyn na katotohanan lang ang pinanghahawakan niya, at handa siyang patunayan na naibalik niya ang pera ni Ynez at ng iba pang nagrereklamo laban sa kanya at “higit pa sa capital ang kinita n’yo”.

“Let’s face the justice. ‘Di ko na palagpasin mga ginagawa n’yo sa akin. Noon ipina-cancel ko ang libel, ngayon let’s start the war. Ibibigay ko sa inyo ang gusto n’yo,” bahagi pa rin ng post niya.

May mensahe rin si Ms Kathelyn kay Ynez.

“Ako I never say no kung may balance ako, inaamin ko ‘yan, kasi utang ‘yan, pero ‘pag ang tao wala na atraso sa ‘yo mahiya ka naman. Pasampa-sampa ka pa, nag iingay ka na naman. Wala ka bang project ngayon at ako pinapasikat mo sa social media?

“Pati mga tao ko nanahimik, walang ginawang masama sa ‘yo, tagabuhat ng mga grocery ibinibigay ko sa ‘yo. Inaasikaso ka ‘pag nasa Brunei ka… pati mga inosenteng tao published mo name sa social media.

“Wala silang alam sa mga sinasabi mo, ni piso nga ‘di ka makapagbigay tip sa mga tao ko… tapos ngayon wala ka puso, ipapahiya sila.”

Sa nasabing post, pinalagan din ni Ms Kathelyn ang paglalabas ng BALITA sa ulat tungkol sa pagsasampa ng kasong estafa ni Ynez laban sa kanya, bagamat sa huling bahagi ng artikulo ay malinaw na hiniling ng pahayagan ang panig niya sa usapin, at ang ulat ay ibinatay sa mga dokumentong iprinisinta ng abogado ni Ynez na si Atty. Ferdie.

Sa mensahe niya kay Yours Truly, nagpasalamat naman si Ms Kathelyn sa BALITA SA paglalahad ng panig niya sa issue.

“Salamat po, Ma’am, kahit papaano nabawasan bigat sa dibdib ko. Grabe mga kaibigan ko, ‘di ko akalain sa kabila ng kabutihan ko ito napala ko,” sabi ni Ms Kathelyn kay Yours Truly.

Well, sabi nga ni Yours Truly, ang sa amin lang mga showbiz writers, trabaho lang, walang personalan. Kaya kinukuha namin ang panig ng bawat isa with matching background music “from both sides now…”, and “smile though your heart is aching…”, para swak sa saying na “life is short, don’t make it shorter”. Tsuk, pasok.

-MERCY LEJARDE