Mag-asawa, todas sa van

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Dead on the spot ang isang mag-asawa habang sugatan ang isa nilang anak na menor de edad nang salpukin ng isang van ang sinasakyang tricycle sa Barangay P-6 Raniag, Ramon, Isabela, kamakailan.

VAN

Kinilala ng  Ramon Police ang nasawi na sina Tasing Vicarme, 33 at Romeo Vicarme habang ang anak na isinugod pa sa pagamutan ay kinilalang si Althea, pawang taga-Bugallon Norte Ramon, Isabela.

Ayon sa pulisya, palabas na sa kanto ang tricycle na sinasakyan ng mga ito nang sumulpot ang isang van na sumalpok sa mga ito, dakong 6:00 ng gabi.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon umano ang mga pasahero at driver nito, kaya’t binawian agad sila ng buhay.

Nakakulong na sa himpilan ng pulisya ang driver ng van na si Ruben Abrenica, ng Phase 1, Raniag, Ramon, Isabela.

-Liezle Basa Iñigo