Angelica, ‘toxic free’ na

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SADYANG maraming nag-abang sa pagtatapos ng Playhouse nitong Biyernes, Marso 22, dahil tinutukan nila kung natupad ang teaser nitong ‘finally home’, na ibig sabihin ay kung magkakabalikan sina Patty (Angelica Panganiban) at Marlon (Zanjoe Marudo).

Kaya naman umabot sa 191k ang likes sa eksenang ikinasal sina Patty at Marlon at 1,042 naman ang komento na masayang nabuo ulit ang pamilya nila sa Playhouse.

Anyway, inamin ng aktres na hawig ang kuwento ng personal niyang buhay at karakter niya sa Playhouse.

Ang caption ni Angelica sa ipinost niyang litratong ikinasal sila at nagkatawanan sila ni Zanjoe.

“Lahat tayo, pwedeng maging masaya. Malapit sa puso ko si Patty Calumpang. Si Angge, lumaki sa pamilyang hindi niya kadugo. Pero makikipagpatayan kami para sa isa’t isa.

“Ganun din si Patty. Magbubuwis siya ng buhay kahit hindi galing sa sinapupunan niya si Robin. Kasi si Robin, galing sa puso niya. At yun, higit sa lahat ang pinaka matindi at masarap na pagmamahal na pwede mong maramdaman.

“Meron ako nu’n. Sa totoong buhay at sa trabaho. Salamat PLAYHOUSE FAMILY. Habang buhay tayong pamilya. Salamat sa pagpaparamdam sakin ng tunay na kaligayahan. Mahigit isang taon akong napagod tumawa. Kahit sarili kong tawa, ma-mimiss ko. Hanggang sa muli. PATTY CALUMPANG ILABAN (again) now signing off.”

Samantala, kasalukuyang nagbabakasyon ngayon si Angelica sa Boracay Island para mag-refresh at lumayo sa mga nakaka-stress sa kanya.

Base sa litratong ipinost ni Angelica na nakaupo sa puting buhangin at naka-magenta swimsuit, “Realizing you are now toxic free.”

-REGGEE BONOAN