K Brosas, naghuramentado sa kawalang respeto kay Chokoleit

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

GALIT si K Brosas sa post ng Vegiemax, dahil ginamit nito ang picture ni Chokoleit sa pagpo-promote ng nasabing produkto. Pero higit na ikinagalit ng mga kaibigan ng namayapang komedyante ang sarkastikong depensa ng produkto sa ginawa nito.

K Brosas copy

Nang s i t a h i n n i K ang nasabing promo, sumagot daw ang kinatawan ng produkto: “Wala naman po nagsabi na gumamit siya (Chokoleit). Kung naka-take po siya ng Vegiemax malamang buhay pa siya, just like many other na ngayon ay masaya sa pagging healthy after taking our product.”

“Sinong hindi manggigil sa ganito?” post ni K.

“Actually kahapon may na-post din ako na networking keme na ginamit din pics ni Chokoleit sa FB page ko, pero infer nag-apologize ‘yung mismong company kasi dealer lang daw ‘yung nag-post… pero ito, iba!!! Nag-comment na kami nila @pooh-tik (Pooh) at @itspokwang27 (Pokwang) na burahin at paki-explain bakit kelangan gamitin pics ni Chokoleit sa promo ng ny*tang Vegiemax nila? Aba, imbes na burahin ‘yung posts nila… binura ‘yung comments namin? Wow!

“At ang hindi ko kinaya, eh nag-comment pa sila na kung naka-take si Chokoleit ng Vegiemax, malamang buhay pa sha…seriously?!! BAWAL po ‘yan, FYI… ang paggamit ng pic ng sinumang artista na hindi n’yo endorser o walang permiso. Ano pa kaya kung patay na?!!

“Puwede kayong idemanda, mga demonyo kayo! Puwede tayo magnegosyo at magtrabaho nang tamang paraan, ‘wag manggamit ng ibang tao at RESPETO lang naman!

“Dahil dinedma n’yo mga comments at pakiusap namin… ayan! Sikat ka na!”

Nag-comment din si Pokwang: “Ayaw maghanapbuhay nang patas, mga hay*p na ‘yan!!! Palaklak ko kaya sa kanya lahat ‘yan nang isang inuman lang? Buhay pa kaya ‘yang hay*p na ‘yan???”

Ang latest, dinelete na ng produkto ang post nito. Pero sabi nga ni K, too late na, dahil marami na ang nakabasa, nag-react at nagalit sa ginawa ng kung sinuman ang nasa likod ng palpak na promo.

-NITZ MIRALLES