Belingon vs Fernandes sa pangatlong pagkakataon

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

Ngayon ay dapat pamilyar na sa isa’t isa si Kevin “The Silencer” Belingon at si Bibiano “The Flash” Fernandes.

Pero iginiit ni Belingon na may mga bago siyang techniques.

Maghanda sa mga sorpresa mula sa ONE Bantamweight World Champion kapag ang pagtatapat nila ng magkalaban ay umabot na sa sukudulan sa ONE: A NEW ERA sa Ryogoku Kokugikan, Tokyo, Japan sa Marso 31.

“This time, there will be more surprises for Bibiano. I hope I can implement those and get the win in Japan,” sabi niya.

“If the opportunity to knock him out comes, I will take it and not let it slip away again.”

Unang  nagharap si Belingon at Fernandes sa ONE: DYNASTY OF CHAMPIONS (HEFEI) noong Enero 2016 kung saan napasuko siya sa unang round.

Ang 31 anyos ay naghigantai sa kanyang pagkatalo nang maging split decision win ang laban niya sa ONE: HEART OF THE LION apat na buwan na ang nakararaan.

“I will try to keep the fight standing up,” sabi ni Belingon. “But if we go to the ground, I will not hesitate to grapple with him and submit him.”

“In the event that the fight goes to the judges again, this time I will make sure that it’s going to be a landslide decision in my favor,” pahayag niya.