Ramon Gonzales kasama sa Manila Event ng ONE

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

Si Ramon “The Bicolano” Gonzales ay nakuha na ang hinihiling niya na makalaban sa harap ng mga kababayan matapos makasama sa susunod na bisita ng ONE Championship dito sa Pilipinas.

Ang Filipino National Kyokushin Karate Champion ay nakatakdang makalaban si Akihiro “Superjap” Fujisawa ng Japan sa ONE: ROOTS OF HONOR na gaganapin sa Mall of Asia Arena, Manila sa Abril 12.

Nanalo siya sa huling dalawang laban niya sa ilalim ng ONE Championship banner kasama ang pagpapasuko niya kay Dodi Mardian ng Indonesia sa unang round pa lamang sa  ONE: KINGDOM OF HEROES noong Oktubre 2018.

“Me and my team have been training day and night after I won in Thailand. I’m very excited to represent the country once again and show the world how talented Filipinos are,” sabi niya.

“I’ve been upgrading my overall game to make sure that I’ll be prepared on whatever challenge I will be facing on the ONE Championship stage.”

Plano niya na ipagpatuloy ang pagiging panalo lalo ngayong sa Manila ang laban niya.

“I have always been requesting to be included on the Manila card,” pahayag ni Gonzales. “I’m eager to get back to the ONE Championship stage and continue where I left off.”

Si Edward “The Ferocious” Kellyng Team Lakay ay kasama din sa card at gusto niyang makabalik sa pagiging panalo sa pagharap niya kay Sung Jong Lee ng South Korea.

Kasama din sa card ay si Eric “The Natural” Kelly na nakatakdang makatapat si Tang Kai ng China.