Pacio, liyamado sa ONE card sa MOA

Filed under MMA, ONE Championship Balita RSS RSS Feed

HITIK sa aksiyon ang inihandang fight cards para sa ONE: ROOTS OF HONOR sa Abril 12 sa MOA Arena sa Pasay City.Sa main event, dedepensahan ni ONE Featherweight World Champion Martin “The Situ-Asian” Nguyen ng Vietnam ang titulo kontra dating ONE World Champion Narantungalag Jadambaa ng Mongolia.

PACIO: Babawi kay Saruta

PACIO: Babawi kay Saruta

Sa co-main event, magaganap ang inaantabayanang duwelo sa pagitan nina dating ONE World Champion Joshua “The Passion” Pacio ng Team Lakay Philippines kontra reigning ONE Strawweight World Champion Yosuke “The Ninja” Saruta ng Japan.

Mabibili na ang tiket para sa fight night via online www.onefc.com.

Magbabalik akisyon naman si reigning ONE Featherweight World Champion Martin Nguyen kontra sa dating kampeon na si Narantungalag Jadambaa.

Pinakamainit na fighter ang 29-anyos na si Nguyen sa kasalukuyan bunsod nang naitalang pitong panalo sa siyam na laban sa nakalipas na taon. Noong 2015, naitala niya ang six-match winning streak tungo sa impresibong two-division title nang makopo ang ONE Featherweight at ONE Lightweight World.

Hindi naman pahuhuli si Jadambaa na galing sa anim na panalo sa walong laban, kabilang ang tagumpay sa matitikas na karibal na sina Kotetsu Boku, Kazuki Tokudome, at Eric and Edward Kelly.

Target naman ni Pacio na makabawi sa kabiguang natamo kay Saruta sa ONE: ETERNAL GLORY nitong Enero para sa ONE Strawweight World Title.