Kaye, ‘di nabigla nang mag-quit sa showbiz si Lloydie

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA presson ng Nang Ngumiti ang Langit, kung saan ay isa sa main cast ang Cebu-based nang si Kaye Abad, naitanong sa dating Tabing-Ilog cast kung hindi ba niya nakikita sa Cebu ang dating boyfriend at ka-love team na si John Lloyd Cruz?

John Lloyd (ADOR STORY) copy

Pareho nang nakabase sina Kaye at John Lloyd sa Cebu kapiling ang kani-kanilang pamilya. Si Kaye ay kasal sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo, at mayroong silang anak na lalake, si Pio Joaquin.

Si John Lloyd naman ay kapiling ang aktres na si Ellen Adarna at ang kanilang anak ding lalaki, si Elias Modesto.

Parehong tubong-Cebu sina Paul Jake at Ellen.

“ H i n d i p a nama n kami nagkikita,” sagot ni Kaye.

Hirit pa ng reporter kay Kaye na sa liit ng Cebu ay imposibleng hindi pa sila nagkikita.

Pero ang sagot ng aktres, “Hindi ko alam, palagi naman akong nasa labas, pero hindi ko talaga siya nakikita. Ang daming nagtatanong niyan, pero hindi talaga kami nagkikita.”

Dagdag pa niya, “Baka ayaw na ng tadhana na magkita kami. Kasi maayos na ang mga buhay namin.”

Ano ang reaksiyon ni Kaye na parang pareho sila ng naging kapalaran ni John Lloyd dahil parehong naka-base na ngayon sa Cebu?

“ P i n i l i naman niya ‘yung kapalaran niya na ‘yun!” natawang sabi niya.

“The same time na pinili ko rin ‘yun.

“Pero ang liit-liit ng Cebu, pero hindi talaga kami nagkikita.”

Kahit may events sa buhay nila, lalo na’t magkaibigan din naman sina Ellen at Paul Jake, wala ‘yung effort na magkita o mag-communicate sila?

“Wala rin,” sabi ni Kaye.

Biro pa niya, “Si Sarah Geronimo na nga lang ang hinihintay namin! Chos!”

Nasabi ito ni Kaye dahil ang boyfriend ni Sarah na si Matteo Guidicelli ay isa ring Cebuano.

Sina John Lloyd at Sarah ay nagtambal sa ilang box-office hit movies.

Dahil pare-pareho na silang sa Cebu naninirahan, hindi ba nila naiisip mag-reconnect at magkita-kita?

Ayon kay Kaye, “Wala. Ewan ko, ha, hindi na kami in touch ni Lloydie.

“Si Ellen at si Paul Jake, friends sila, pero hindi rin ganu’n, like, barkada na they hang-out, wala.”

Ang huling komunikasyon pa raw nina Kaye at John Lloyd ay noong si Angelica Panganiban pa ang girlfriend ng aktor.

Masaya raw si Kaye para sa dating nobyo.

Pagtukoy kay John Lloyd, ani Kaye, “Oo, may anak na rin siya at lahat kami, may pamilya na.”

Sa pagkakakilala ni Kaye kay John Lloyd, nagulat ba siya nang malamang nag-leave o nag-quit muna ang aktor sa kanyang pagiging artista?

“Hindi. Hindi ako na-surprise,” sabi ng aktres.

“Kasi, parang noong nag-uusap kami , siya ang t i p o n a kapag o k a y n a s i y a , like, ‘yung ready n a s i y a , hindi ito ang gagawin niyang pangkabuhayan—ang show business.Kumbaga, nakaipon na siya. Gagawa siya ng sarili niyang business.

“Hindi ‘yung pag-aartista ang gagawin niyang source of income.”

Sa kaso naman ni Kaye, wala rin daw siyang pagsisisi at masaya siya sa buhay niya ngayon sa Cebu kapiling ang asawang si Paul Jake at ang kanilang anak na si Joaquin.

“Masaya, kuntento,” nakangiting sabi niya.

“Palagi nila akong tinatanong and kung tutuusin, mas gusto ko du’n. Kasi very laid back.

“It’s a combination of province and city life.

“Na kung gusto mong mag-beach, mag-farm, ang lapit lang lahat.

“Kung gusto mo ng city, nandoon na rin naman ang mga malls, nandoon na rin naman lahat.

“Mas relaxed ako ngayon.”

Kung ano ang pinapangarap niyang buhay noong dalaga pa lang siya, nagkatotoo naman daw lahat.

“Nagpapasalamat ako kay Lord dahil parang natupad lahat ang pinapangarap ko—magkapamilya, magkaanak, maging housewife.

“Sabi ko nga, natatakot ako. Kasi parang ibinigay Niya talaga lahat. Wala naman sanang kapalit,” sambit niya.

Bago nagkaroon ng relasyon sina Kaye at Paul Jake, ay matalik muna silang magkaibigan.

Sang-ayon ba s i Kaye sa kasabihang “It’s best to marry your best friend”?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

“Kasi, iba ‘yung foundation n’yong dalawa. ‘Yung alam niyo ang flaws ng isa’t isa.

“Pinasok namin ang relasyon na alam namin na ito ang mga flaws ko, ‘yan ang flaws niya.

“So, noong naging mag-asawa kami, makita man namin ang ugali ng isa’t isa, e, ganyan talaga siya.

“Pinakasalan ko siya na hindi ‘yung, ngayon ko lang siya makikita na ganyan siya.”

Sabi pa ni Kaye, “Hindi ko nire-regret that I left show business for a while.”

-ADOR V. SALUTA