U.S. citizen, kasambahay utas sa 7 obrero

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang pitong construction worker na itinuturing na persons-of-interest sa pagkakapaslang sa isang American citizen at kasambahay nito sa Barangay Lasip Grande, Dagupan City, Pangasinan, kamakailan.

AMERICAN download (10)

Sa pahayag ng Dagupan City Police, hindi muna nila ibubunyag ang pagkakakilanlan ng pitong trabahador dahil patuloy pa ang isinasagawang operasyon laban sa kanila.

Kinilala naman ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Rosalina Esteves, 68, ng Sitio Patalan, Bgy. Lasip Grande, at Lorrainne Camid, 39, stay-in housemaid at taga-Bgy. Alitaya, Mangaldan, Pangasinan.

Sa teorya ng imbestigador, pinagpapalo ng matigas na bagay ang dalawa na duguan nang matagpuan ng mga awtoridad, sa loob ng ipinapatayong bahay na pag-aari ni Esteves.

Ang bangkay ni Esteves ay nadiskubre sa kuwarto nito habang si Camid ay nakahandusay sa sahig at walang saplot pang-ibaba,

Natagpuan ang matanda sa loob ng kaniyang kama na naliligo sa sariling dugo habang ang katulong ay sa sahig na duguan at walang saplot pambaba, nitong Biyernes ng umaga.

Hindi pa masabi ng mga imbestigador kung ginahasa si Camid

Patuloy pa ang masusing imbestigasyon sa kaso.

-Liezle Basa Iñigo