P42M sinolo ng naka-jackpot sa 6/45

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Solong-solo ang tumataginting na P41.8 milyon. Ikaw na!

Photo by Jansen Romero

Photo by Jansen Romero

Kukubrahin ng isang tumaya sa Recto, Maynila ang mahigit P40-milyon jackpot prize ng Mega Lotto 6/45, na napanalunan niya nitong Biyernes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nasa kabuuang P41,890,804.60 ang premyo ng nakatsamba sa 22-11-29-01-06- 04 winning combination.

Maaari namang kuhanin ang premyo sa main office ng PCSO sa Madaluyong City, at kailangan lang na mag-present ng dalawang valid ID.

-Jel Santos