3 sa NPA, arestado sa Iloilo

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Natimbog ang tatlong umano’y kaanib ng New People’s Army matapos makibakbakan sa militar ang grupo ng mga ito sa Igbaras, Iloilo, ngayong Linggo ng umaga.

NPA download (10)

Ito ang kinumpirma ni 61st Infantry Battalion (IB) commander, Lt. Col. Sisenando Magbalot, Jr., ng Philippine Army (PA).

Ang tatlo, ayon kay Magbalot, ay kaanib ng Southern Front Committee na kumikilos sa Panay Island.

Nagpapatrulya, aniya, ang tropa ng pamahalaan sa Barangay Mulangan sa nabanggit na bayan, nang makasagupa ang grupo ng mga rebelde.

Sinabi ni Magbalot na hindi kaagad na nakatakas ang tatlong rebelde kaya nahuli ang mga ito.

Siyam na improvised explosive device (IED) ang nakumpiska sa pinangyarihan ng sagupaan.

-Tara Yap