NBTC National Finals, lalarga na

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

KABUUANG 14 na kopo na nang nakatakdang kumatawan sa Luzon sa darating na 2019 Chooks-to-Go SM NBTC League National Finals.

Nanguna sa mga nasabing koponan ang Lyceum Cavite at University of Baguio, kasama ang University of Perpetual Help-Biñan, Laguna at Sto. Domingo National High School ng Legazpi, Albay.

Nakapasok din sa National Finals sa unang pagkakataon ang Narvacan Central National High School ng Candon, Ilocos Sur; Isabela Colleges ng Cauayan, Isabela; St. Augustine Institute ng Floridablanca, Pampanga; at Calayan Educational Foundation ng Lucena, Quezon.

Makakatunggali ng Luzon qualifiers ang may 18 pang koponan sa annual NBTC League Nationals na gaganapin sa Marso 18 – 24 sa MOA Arena.

Ang semifinals at finals, sampu ng annual All-Star Game, ay mapapanood sa ESPN5 habang lahat naman ng mga laro mula sa seeding round hanggang sa championship round ay may live streaming sa tv5.espn.com.

-Marivic Awitan