Mas mababang movie tax, next target ng FDCP

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI lang ang mga taga-movie industry, kundi maging ang moviegoers ay natuwa sa announcement ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño na mula sa Miyerkules ay magiging Biyernes na ang opening day ng mga bagong pelikula.

Ms Liza at film producers copy

Ito ay matapos na makipag-meeting si Ms Liza sa mga movie producers at theatre owners, kabilang sina Mother Lily Monteverde, Vincent del Rosario, Malou Santos, Orly Ilacad, Perci Intalan, Dondon Monteverde, Erik Matti, at marami pang iba.

Ang daming nag-congratulate kay Liza at sa FDCP at ang hiling ng iba pang taga-movie industry ay bawasan naman ang tax sa mga pelikulang ginagawa.

“Next na ‘yan. Pinag-aaralan na together with DTI,” sagot ni Ms Liza.

-NITZ MIRALLES