Gerald, naging emosyonal sa surprise ni Bea

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

LABIS ang tuwa ni Gerald Anderson sa natanggap niyang surprise party kamakailan mula sa girlfriend niyang si Bea Alonzo.

Gerald at Bea copy

Present din ang mga kaibigan ng aktor sa nasabing party.

“I feel like I’m doing something right in my life from all the love from last night…amazing surprise,” post ni Gerald.

Heart emoji naman ang sagot ni Bea sa post na ‘yun ni Gerald.

Sa isang Instagram post ng aktres, isinulat niya: “You are a wonderful man. You are my great love story.”

Samantala, busy si Bea at si Ms. Charo Santos sa promo ng horror movie ng Star Cinema at Cre8 Productions na Eerie, na showing sa March 27, sa direksiyon ni Mikhail Red.

May bagong teaser ang pelikula, at mas nakakatakot ito kaysa unang teaser.

-Nitz Miralles