Break dance, hindi lang pangbarkada

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MABIBIGYAN ng pagkakataon ang kabataang break dancer sa ilalargang national tryouts para sa koponan na isasabak sa 2019 Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Magsasagawa ng tryouts ang Philippine Breaking o Break Dancing Team ngayong Sabado sa Valle Verde Country Club in Pasig.

Mga talentadong batang babae at lalaki buhat sa buong kapuluan ang maglalaban-laban upang makakuha ng slot para sa national team.

Ayon sa mismong coach na si Melvin Jansen ang isa sa mga miyembro ng Breaking Organizing Committee, kanilang hinihikayat ang kabataan na sumali sa nasabing National team tryout .

Ang mga kalahok ay kinakailangan 15 anyos pataas, tatlong lalaki at tatlong babae at magkakaroon ng pagkakataon na mapabilang sa national team at makapagsanay ng mas maaga.

Kabilang sa mga kalahok sa eliminasyon ay ang top 25 buhat sa Youth Olympic Qualifier na sina Bboy Allen at ang kalahok ng World of Dance na si Bboy Jesse.

Ang nasabing event ay bahagi ng Dance Sports Council Kung saan Ang pinakamatinding kalaban ay ang Vietnam at Thailand.

-ANNIE ABAD