Beer at Langis sa Panabo City

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Laro Ngayon

(Panabo City)

5:00 pm San Miguel vs. Phoenix Pulse

MAKAIWAS sa kumplikasyon at tiyakin ang pagkakaluklok sa top spot pagpasok ng playoffs ang target ng namumunong Phoenix Pulse sa pagharap nila sa defending champion San Miguel na hangad namang makahabol sa top 2 sa nag-iisang laro ngayong hapon ng 2019 PBA Philippine Cup.

Ganap na 5:00 ng hapon ang pagtutuos ng Fuel Masters at ng Beermen na gaganapin sa Panabo Multi Purpose, Sports and Tourism Cultural Center sa Panabo City, Davao del Norte.

Tatangkain ng Fuel Masters na makabalik ng winning track matapos ang natamong 97-100 na kabiguan sa kamay ng Ginebra noong nakaraang Linggo sa Araneta Coliseum na nagbaba sa kanila sa markang 8-2.

Ang kabiguan para sa Fuel Masters ay mas magpapaigting ng laban sa top 2 spots lalo pa’t magkakadikit ang mga koponang nasa upper half ng team standings.

Mangangahulugan naman ito ng pagbubukas ng pintuan para sa Beermen (5-3) na makahabol pa sa no.1 spot.

Tatangkain ng SMB na masungkit ang ikalimang sunod na panalo makaraang makaapat na sunod matapos gapiin ang Northport noon ding Linggo, 107-113.

-Marivic Awitan