BRAVE 22: Storm of Warriors ngayon

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

ILALARGA ng Brave Combat Federation ang groundbreaking event sa Manila sa gaganaping Brave 22: Storm of Warriors ngayon ganap na 6:00 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City.

NAGPASILIP ng kanilang lakas at tikas sina Filipino Bantamweight champion Stephen Loman (kaliwa) at challenger Elias "The Smiling" Boudegzdame ng Bahrain sa ginanap na open workout/media presentation ng Barve 22:Storm of Warriors Miyerkoles ng gabi sa Newport Activity Center sa Resorts World Manila sa Pasay City. Nakatakda ang groundbreaking event ng nangungunang MMA promotion sa MiddleEast ganbap na 6:00 ng gabi ngayon sa MOA Arena.

NAGPASILIP ng kanilang lakas at tikas sina Filipino Bantamweight champion Stephen Loman (kaliwa) at challenger Elias “The Smiling” Boudegzdame ng Bahrain sa ginanap na open workout/media presentation ng Barve 22:Storm of Warriors Miyerkoles ng gabi sa Newport Activity Center sa Resorts World Manila sa Pasay City. Nakatakda ang groundbreaking event ng nangungunang MMA promotion sa MiddleEast ganbap na 6:00 ng gabi ngayon sa MOA Arena.

Pinanganhasiwaan ni His Highness Sheikh Khalid bin Hamad Al Khalifa ng Bahrain, tampok ang mga pamosong Pinoy fighters sa fight cards ng nangungunang mixed martial arts promotion sa Middle East.

Mismong ang Pangulong Duterte matapos ang pakikipagpulong sa Bahrain prince na g nagsiguro para sa matagumpay na pagsasagawa ng Brave na inaasanang mag magpapaangat sa husay at galing ng mga Pinoy MMA fighters.

Ang pagsasagawa ng Brave sa bansa ay resulta nang pakikipag-ugnayan ni Mr. Alfonso Ver, Philippine Ambassador sa Bahrain, matapos personal na mapanood ang fight promosyon.

Tampok na duwelo sa promosyon na mapapanod sa ESPN5 ang laban sa pagitan nina Filipino Bantamweight champion Stephen Loman kontra challenger Elias Boudegzdame.

Tulad ng inaasahan, umani ng papuri mula sa mga kababayan si Loman na isinagawang open workout/media presentation Miyerkoles ng gabi. Kasama rin niyang magpapakitang-gilas sa harap ng mga Pinoy MMA fans sina Jeremy Pacatiw at karibal na si Marc Alcoba, gayundin ang dayuhan na sina Cian Cowley ng Ireland,  New Zealand’s John Brewin at Pakistan’s Mehmosh Raza.

Pinangasiwaan ni Brave CF commentator Kirik Jenness ang media conference kung saan ipinakilala angmga kalahok na fighters na kinabibilangan din ng isa pang Pinoy na si Rolando Dy.

“I’ll be honest, I was always an average student, I got my college degree because I had to. I was an average basketball player and an awful dancer. Fighting is what I really know, it’s what I love. Being able to be here and representing my country, back to Brave, it’s amazing”,pahayag ni Dy, haharap kontra sa mapanganib na si Mehmosh Raza sa Featherweight bout.

Nangako naman si John Brewin na bibigyan ng magandang laban ang karibal na si Cian Cowley.

“I’m living the dream, two years ago I was here in Manila, cornering one of my good friends and teammate at Bali MMA. I thought “One day I’ll get back here for my own fight”, I never thought it’d be so fast, though. I went from all kinds of temporary jobs to co-headlining a card in Manila. I know a lot of people say that their stories are all about struggle and overcoming but that’s nothing but the truth in my case. I live for fighting, I’m here to put on a show and I’ll fight until my last breath”, pahayag ni Brewin.