Ronnie Ricketts, kulong sa graft

Filed under Balita Balita RSS RSS Feed

Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong si dating Optical Media Board (OMB) Chairman Ronald Naldo “Ronnie” Ricketts kaugnay ng graft nito dahil sa pagre-release ng kumpiskadong pirated digital video discs (DVDs) at video compact discs, noong 2010.

RICKETTS download (10)

Bukod kay Ricketts, kasama rin sa sinentensiyahang makulong nang walong taon si OMB Enforcement and Inspection Division (EID) Computer Operator Glenn Perez.

Pinagbawalan na rin silang magtrabaho pa sa pamahalaan.

Absuwelto naman sina EID head Manuel Mangubat at EID investigation agent Joseph Arnaldo nang mabigo ang prosekusyon na patunayang nagkasala ang mga ito.

Bago ilabas ng hukuman ang desisyon nito, umapela pa ang abogado ni Ricketts na si Pedro Tanchuling na buksan muli ang kaso at mabigyan pa sila ng isang araw na paglilitis.

Gayunman, hindi na pumayag si 4th Division chairperson Alex Quiroz at ikinatwirang sapat na ang panahong ibinigay kay Ricketts upang iharap sana ang mga ebidensiya nito.

“The court finds it to be procedurally improper to still reopen or for the court to give Ricketts [the chance to] give further defense evidence,” sabi pa ni Quiroz.

-Czarina Nicole Ong Ki