Renz Fernando, bagong Concert Prince

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

DA hu si Renz Fernando if you may ask?

Renz copy

Well, si Renz Fernando ang multi-medalist winner (four medals at isang gold medal) sa 2017 sa World Completion in the Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Long Beach, Los Angeles California.

Para sa nakuha niyang gold medal, Renz was awarded a scholarship prize of 10,000 dollars fee per year sa New York Film-Academy – isang long term theater degree kung saan naging top performer siya sa kanyang klase. And now he went home bringing honors to our country and to his family.

A n d t a k e n o t e , magkakaroon ng fund-raising concert itong si Renz sa March 28 sa SM Skydome, Sky Gardens SM North Edsa sa ganap na 8:00 ng gabi, produced ng The Breach Of Life Foundation, Inc., isang non-stock at non-profit na organisasyong itinatag na layuning makapag-produce at makakalap ng pondo ang OstreaVent para sa mga ospital na nangangailan ng tulong. Isa sa mga founder nito si Dr. Enrique Ostrea, Jr.

Ang kikitain sa Renz Fernando sa concert ay ibibigay ng OstreaVent sa mga ospital na tutulong sa mga pasyente at bagong silang na sanggol na nangangailan nang higit na pansin.

Sana ay tangkilin ng madlang pipol ang nasabing concert para maraming matulungang ospital ang organisasyon at para mabigyan na rin ng title itong si Renz bilang bagong Concert Prince. ‘Yun na!

-MERCY LEJARDE