Pinoy archers, tutudla sa Asia Cup

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

SASABAK ang siyam na pambatong archers ng bansa sa Asia Cup ngayong Marso 26 hanggang Abril 1 sa Bangkok, Thailand.

Pinangalanan ni World Archery Philippine Secretary General Rosendo Sombrio ang nga miyembro ng koponan na makikipagsapalaran sa nasabing event.

Kabilang sa mga nasabing archers Sina Kareel Hongitan, Pia Bidaure, Gabriel Moreno, Flor Matan at dating Palarong Pambansa gold medalist na si Paco Aranas na sasabak sa Recurve, kasama sina Paul dela Cruz, Joan Olano, Jennifer Chan at Andrea Robles.

Kasunod ngnaturang meet at itutuloy naman ng WAP ang kanilang local qualifying tournaments para naman sa koponan ng SEA Games kasabay ng training sa Dumaguete at FR Sevilla Range sa Quezon City.

Naghahanda din ang koponan para sa Olympic Qualifying World Championships na nakatakdang ganapin sa Netherlands sa Hunyo.

Samantala, ang ikalawang leg naman ng Asia Cup ay gaganapin sa Taiwan ngayong Hulyo at Ang Asia Cup Leg 3 naman ay sa Clark,Pampanga pagsapit ng Setyembre.

-Annie Abad