Mylene sa bigong relasyon: Try and try again

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MASAYANG ibinahagi ng aktres na si Mylene Dizon ang relasyon nito sa kasintahang si Jason Webb, PBA assistant coach at team consultant para sa Magnolia Hotshots Pambansang Manok. Almost six years na silang magkasintahan, pero hindi pa rin nawawala ang tamis ng kanilang pagmamahalan.

Low-key nga lang sina Mylene at Jason dahil madalang silang mag-post sa social media ng kanilang couple photos.

“I’ve always been not the type who like shouting out to the world who I’m going out with. And as a person, even my career, I’m just crawling everywhere. I’m not a star. So there’s nothing to hide. Life is easy, you know,” sabi ni Mylene.

Ano ang sekreto sa going strong na relationship nila ni Jason?

“Hindi ko alam, e. Ang dami kong relationships in the past,” walang kiyemeng sagot ni Mylene. “I don’t think I’m the person whom people should emulate when it comes to relationships.“I guess, the only lesson there is try and try again! Ha, ha, ha!”

Aminado si Mylene na ilang beses na rin siyang nabigo sa pag-ibig. Bago si Jason, tumagal ng four years ang relasyon noon ni Mylene sa singer na si Ira Cruz. Naging boyfriend din ni Mylene si Paolo Paraiso, ama ng dalawa niyang anak na lalaki.

Sa kabila ng makulay niyang love life, masasabi raw ni Mylene na mature siya pagdating sa pag-handle ng relasyon nila ni Jason ngayon.

“What works? That it’s not going to be a better process. The acceptance of that fact is one step to, you know, probably having a longer relationship. Because you’re not going to be in love forever.”

Secure raw si Mylene sa relasyon niya ngayon dahil kabisado na nila ni Jason ang isa’t isa. Malaking bagay din umano na magkasundo ang mga anak nila ni Jason. Patunay nito ang pagbabakasyon nila ng magkakasama sa Boracay noong December 2018.

Natawa naman si Mylene nang ipaalam namin sa kanyang maraming PEPsters ang nasorpresa sa pag-post noon ng aktres ng litrato kasama si Jason.

Sweet at sexy silang tingnan sa kanilang mala-yoga na pose, na kinabog ang Instagram-worthy pictures ng younger couples.

Komento ni Mylene, sadyang swak lang talaga sila ni Jason dahil pareho sila ng mga interes sa labas ng trabaho.

“Ayaw naming tumanda. In other words, in denial pa kami! We work hard. We stay healthy. And we’re both very active. He plays basketball. We work out together. Or maybe we’re just putting a break to health issues and hope that we won’t have any, that’s why we’re taking care of ourselves,” pahayag ni Mylene na gumaganap bilang ina ni Bianca Umali sa seryeng Sahaya ng GMA 7.

-Ador V. Saluta